Hinimok ng Liberal Party ang publiko na tumayo at manindigan upang ipagtanggol ang demokrasya mula sa muling pagbabalik ng diktadura.
Ito ang inihayag ni Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan kasunod ng inihaing impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Giit ni Pangilinan, ang mga hakbang para patahimikin ang punong mahistrado ay isang babala rin sa iba pang mahistrado na sumunod o di kaya’y isusunod na patatalsikin sa puwesto.
Kasunod nito, nanawagan si Pangilinan sa publiko na makilahok sa isasagawa nilang kilos protesta kaalinsabay ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar.