Viral ngayon sa social media ang matapang na utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tanggalin ang bakod na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc o mas kilala bilang Scarborough Shoal.
Matatandaang nagsagawa ng special operation ang Philippine Coast Guard (PCG) noong September 23, 2023 para tanggalin ang 300-meter floating barrier sa entrance ng Scarborough Shoal. Pagsunod ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr.
Hindi komunsulta ang Pangulo sa mga pamahalaan ng US, Japan, at Australia bago ipag-utos ang pagpapatanggal ng bakod. Para sa professor ng La Salle International Studies na si Renato de Castro, ipinakita ng aksyon ng Pangulo ang independent foreign policy at desisyon na harapin ang maritime expansionism ng China Coast Guard.
Ayon kay Prof. de Castro, naipapakita ni Pangulong Marcos Jr. ang strong political will niya para matiyak ang food security ng mga Pilipino, lalo na para sa mga mangingisda. Matatandaang nagmistulang nakaharang na bakod para hindi makapasok ang mga mangingisdang Pilipino ang inilagay na floating barrier ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal. Ngayong tinanggal na ang bakod, malaya na silang nakakapangisda.
Aligned sa international law at sovereignty ng Pilipinas ang isinigawang pag-uutos ni Pangulong Marcos Jr. na ipatanggal ang floating barriers ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela.
Matatandaan ding base sa 2016 Arbitral Award na ibinigay sa bansa noong July 12, 2016, traditional fishing ground ng Pilipinong mangingisda at parte ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.
Sinabi rin ni Prof. de Castro na ipinaaalam ng aksyong ito ni Pangulong Marcos Jr. sa gobyerno ng China kung paano haharapin ng kasalukuyang administrasyon ang mga illegal na aktibidad sa West Philippine Sea at kung paano niya ipagtatanggol ang sariling teritoryo ng bansa.
Dagdag pa ng eksperto, nagulat sa naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr. at ngayon medyo natataranta na ang gobyerno ng China.
Siniguro noon ng Pangulo na gagawin ng administrasyon niya ang lahat para mapayapang masolusyunan ang isyu sa West Philippine Sea nang hindi sinusuko ang karapatan ng Pilipino sa sariling karagatan. Sinabi rin niya noon na aksyon at hindi salita ang susukat sa commitment para masiguro ang peace at stability sa West Philippine Sea.