Nagpaalala muli si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagpapatatag ng bawat pamilya sa bansa.
Ginawa ni Tagle ang pahayag sa katatapos na 37th Catholic Mass Media Awards.
Ibinahagi ni Tagle ang ilang naging sentro nang pagpulong ng mga Synod of Bishops noong nakaraang buwan sa Roma kung saan siya ang honorary chairman.
Aniya, kabilang sa pangunahing tinalakay ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan.
Kasabay nito, ang kanyang paghamon sa mga politiko huwag gamitin ang kanilang pamilya para sa korapsiyon.
By: Mariboy Ysibido