Tututok sa pagpapatatag ng Security Alliance at Economic Relationship ang magiging sentro ng pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at U.S. Vice President Kamala Harris.
Kinumpirma ng White House na tatalakayin din sa pulong ang mga issue kaugnay sa Digital Economy at paggamit ng Clean Energy.
Nakatakda namang humarap si Harris sa Civil Society Activists mamaya bilang bahagi ng nagpapatuloy na suporta sa Human Rights at Demokrasya ng Amerika habang bukas ay bibisita ito sa Palawan, partikular sa teritoryong malapit sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Si Harris ang pinaka-mataas na U.S. official na bibisita sa Palawan.
Kagabi ay dumating sa bansa ang Bise Presidente ng Amerika mula sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.
(video courtesy of Raoul Esperas Patrol 45)