Hinimok naman ni dating CBCP President Retired Archbishop Oscar Cruz ang mga layko ng simbahan na patatagin ang apostolado ng buhay at pamilya.
Ito ang reaksyon ng Arzobispo sa lumabas na survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan, nasa apatnapu’t isang porsyento lamang ng mga Katoliko ang nagsisimba tuwing Linggo.
Iginiit ni Cruz na mahalaga ang pagpapatibay sa pundasyon ng pananampalataya lalo na sa mga kabataan na siyang malaking hamon para sa mga magulang.
Sa panahon aniya ngayong maraming libangan ang mga tao kaya’t mahirap mahikayat ang mga Katoliko na dumalo sa misa tuwing araw ng Linggo na tinaguriang araw ng pangilin.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco