Ipauubaya na ng palasyo sa susunod na administrasyon at economic team ni President-elect Bongbong Marcos Jr. ang pagpapataw ng bagong buwis.
Magugunitang isinulong ng Department of Finance (DOF) ang nasabing hakbang kung saan nais ipagpaliban ang mga personal income tax reductions at ipinatatanggal ang ilang tax exemptions upang makalikom ng pondo upang makabayad ang gobyerno sa utang ng bansa.
Ayon kay acting presidential spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, nasabing mungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ay dapat pagpasyahan ng susunod na administrasyon.
Layunin ng plano na matiyak na epektibong matutugunan ang kakulangan sa budget habang pinopondohana ang mga imprastruktura, edukasyon, healthcare at ekonomiya.
Samantala, pag-aaralan ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor at incoming Finance Secretary Banjamin Diokno ang mga bagong panukala sa pagpapatupad ng mga bagong buwis.