Pinag-aaralan na ng Pilipinas ang pagpapataw ng buwis sa carbon.
Ito ay para malabanan ang climate change kasabay ng pag-ipon ng pondo para sa Adaptation at Resiliency Projects.
Ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, isa ang Carbon Tax sa mga panukalang ihahain sa 19th Congress para masolusyunan ang climate change sa pamamagitan ng pagkontrol sa paggamit ng plastic.
Ang nasabing Fiscal Consolidation Plan ay ipinasa ng administrasyong Duterte sa administrasyong Marcos na posibleng maisabatas sa 2025.