Isinusulong ni Senate Pro Tempore Ralph Recto na patawan ng buwis ang vape at e –cigarettes.
Ayon kay Recto, kung patawan man ito ay hindi naman kasing taas ng buwis na ipapataw sa mga sigarilyo.
Aniya, nasa 50 hanggang 95 percent na mas mababa ang epekto ng vape at e – cigarettes kumpara sa sigarilyo.
Nais ni Recto na maisama ang pagbubuwis sa mga vape at e cigarettes sa magiging bersyon ng Senado ng panukalang Sin Tax Bill.