Pinag aaralan na ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez ang posibleng pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga salty products tulad ng tuyo, daing at dilis.
Sinabi ni Lopez na kasama rin sa posibleng saklawin ng dagdag buwis ang mga noodles.
Ayon sa DTI, marami ng mga bansa ang nagsasagawa ng sistema para mabawasan ang salt intake ng kanilang mga kababayan.
Una nang ipinanukala ni Health Undersecretary Eric Domingo ang dagdag na buwis sa salty products dahil sa epekto nito sa kalusugan ng tao.
Ang dagdag na buwis ang nakikitang paraan ng mga opisyal ng gobyerno para mailayo ang publiko sa masamang epekto ng salty products tulad ng dried fish.