Sinuportahan ng Department of Health (DOH) ang guidelines na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hingil sa paglalagay ng floor price para sa heated vapor at iba pang electronic cigarette items.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, makatutulong ang panukala na i-regulate ang paggamit ng mga naturang produkto lalo na sa mga kabataan.
Sinabi rin ni Vergeire na walang ebidensya na makapagpapatunay na mas ligtas ang paggamit ng E-cigarette kaysa sa mga sigarilyo.
Samantala, bukod sa pagpapataw ng tax sa heated tobacco products, suportado rin ni Vergeire ang paglalagay ng tax sa mga alak at matatamis na inumin upan maisulong ang mas malusog na pamumuhay. —sa panulat ni Hannah Oledan