Suportado ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang anumang hakbang para sa pagpapataw ng mas mataas na excise tax sa mga mining company.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, dapat planuhing mabuti ang ipapataw na dagdag buwis lalo’t 2 percent lamang ang excise tax ng mga nasabing kumpanya.
Pinag-aaralan na rin anya nila ang panukalang itaas sa limang porsyento ang excise tax na kanya namang tatalakayin sa pulong ng Inter-agency Mining Industry Coordinating Council.
Ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier ng nickel ore at kabilang sa top producer ng tanso at ginto.
Gayunmna, isang porsyento lamang ang kontribusyon ng mining industry sa ekonomiya batay sa datos ng Mines and Geo-Sciences Bureau.
—-