Tinitingnan na rin ng Department of Agriculture ang posibleng pagpataw ng maximum suggested retail price sa baboy.
Kasunod ito ng pagpapatupad ng MSRP sa bigas at pagtaas ng presyo ng baboy sa ilang pamilihan.
Sa kasalukuyan, pumapalo sa 420 pesos hanggang 480 pesos ang kada kilo nito.
Gayunman, ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang farmgate price ng baboy ay nasa 240 pesos kada-kilo lamang, kaya’t walang dahilan upang sumirit ang presyo ng nasabing produkto.
Kaugnay nito, sinabi ng Kalihim na kanilang aalamin ang dahilan ng pagtaase ng presyo ng karne ng baboy at tutukuyin kung may nangyayaring profiteering. – Sa panulat ni John Riz Calata