Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.
Dahil ito sa pagtaas ng presyo ng asukal sa pamilihan bunsod nang kakulangan ng sugarcane dulot ng pagkasira ng mga plantasyon dahil sa mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Agriculture Undersecetary Christine Evangelista, batay sa kanilang pag-aaral ay dapat ilagay sa P72.50 centavos ang presyo ng asukal kada kilo sa mga Supermarket.
Tangi kasing sa Wet Market epektibo ang ganitong presyo upang mapunan ang gastos sa paglalagay ng asukal sa mga estante.
Maliban sa pagtatakda ng SRP sa asukal, nakikipagtulungan na rin sa DA ang mga stakeholders para mapababa ang presyo ng asukal.