Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa ilang produktong pang-agrikultura sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Kristine Evangelista, Undersecretary ng DA, ang mga produktong dapat patawan ng SRP ay ang baboy, sibuyas at asukal.
Tinutulan naman ito ng ilang retailers dahil anila, iba-iba ang ibinibigay na presyo ng mga suppliers sa produkto.
Imbes na magtakda ng SRP, dapat anilang ibaba na lang ang operating cost sa mga magsasaka.
Bukod sa pagtatakda ng presyo, plano rin ng DA na mag-angkat ng asukal upang mapatatag ang suplay nito sa merkado.