Inihirit ng isang consumer group na patawan ng SRP o Suggested Retail Price ang karneng baboy at manok.
Kasunod ito ng hindi maipaliwanag na pagtaas ng presyo ng karne sa gitna ng kaso ng African Swine Fever sa bansa.
Ayon sa grupong Laban Konsyumer, layon nitong makahinga man lamang ang mga consumer sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng baboy at manok lalong lalo na ngayong kapaskuhan.
Hindi maintindihan ng grupo kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng baboy sa 220 pesos hanggang 230 pesos kada kilo gayong nasa 100 hanggang 110 pesos na lamang ang farm gate prices ng baboy.
Mayroon pa nga aniyang malaking savings ang mga traders dahil sa mas stable na ang presyuhan ng produktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo.