Lusot na sa Senado ang panukala na doblehin ang pataw na buwis sa mga kumpanya ng pagmimina lalo na kung ang mga ito ay umaabuso sa kalikasan.
Pumabor sa mosyon nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senador Francis Escudero ang sampung senador na itaas sa mahigit sa 3000 percent ang coal taxes simula sa susunod na taon.
Ibig sabihin tataas na ng P300 mula sa kasalukuyang P10 buwis sa bawat isang metriko tonelada ng coal hanggang sa taong 2020.
—-