Pinakatama at pinakamakatuwirang hakbang ang magpatawag ng pulong sa NSC o National Security Council.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson matapos paboran ang pagpapatawag ng NSC meeting ng Pangulong Rodrigo Duterte para tutukan ang mga susunod na hakbang matapos mag-desisyon ng International Arbitration Tribunal sa isyu ng West Philippine Sea pabor sa Pilipinas.
Sinabi ni Lacson na para sa isang Pangulo na nahaharap sa masalimuot na security problems dulot ng external at internal security threat, tama lamang ang pagdaraos ng NSC meeting para makuha ang opinyon ng experts sa tamang hakbang sa usapin.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)