Hawak ng senado ang desisyon kung papalitan sa pwesto si Senador Alan Peter Cayetano matapos itong hiranging Foreign Affairs Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Commission on Elections o COMELEC Spokesman Director James Jimenez, may kapangyarihan ang liderato ng senado na ideklarang bakante ang posisyon at magpatawag ng Special Election.
Pagsisilbihan ng mananalo ang natitirang termino ng kanyang papalitan kung saan si Cayetano ay mayroon na lamang dalawang (2) taon sa pwesto.
Una nang ipinaliwanag ng COMELEC na hindi maaring ipalit sa nabakanteng pwesto si dating MMDA Chairman Francis Tolentino na syang nakakuha ng ika – 13 pwesto sa Senatorial Race noong 2016 Elections.
By Rianne Briones