Nilinaw ni Erwin Garcia, Commission on Election (COMELEC) chairperson, na hindi luho ang pagpapatayo ng COMELEC building kung hindi isang “necessity.”
Ayon kay Garcia, ang siyam na palapag na gusali ng opisina ay makababawas sa gastusin ng komisyon at maglalaman ng kanilang mga kinakailangang pasilidad kabilang ang mga bodega para sa pag-iimbak ng kanilang mga kagamitan.
Dagdag pa niya, naiintindihan nila ang estado ng ekonomiya sa bansa kaya’t napagpasyahan nilang pahabain ang konstruksyon ng gusali sa loob ng tatlo hanggang limang taon, na magreresulta sa mas mababang alokasyon per annum sa budget pie ng pamahalaan.
Hinihiling din ng poll body sa Kongreso ang pagbibigay ng Multi-Year Contractual Allocation (MYCA) para mapadali ang tuloy-tuloy na bidding ng procurement para sa pagtatayo ng gusali.
Kasalukyang nagrerenta ang COMELEC ng iba’t ibang gusali at palapag sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros na nasunog noong Hulyo. —sa panulat ni Hannah Oledan