Suportado ng isang mambabatas ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) office sa Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, tama lang ang naging pasya ng Punong Ehekutibo dahil marami ang nasira sa sektor ng imprastruktura, kabilang na ang mga kalsada, at tulay.
Sinabi ni Hataman na malaking tulong ang pagpapatayo ng mga opisina sa BARMM para mas mapabilis ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastruktura bunsod ng Bagyong Paeng.
Bukod pa dito, matututukan din ang implementasyon ng mga National Project na pinipondohan ng pamahalaan.
Umaasa ang mambabatas na matututukan ng Administrasyong Marcos ang sektor ng imprastruktura sa rehiyon.