Plano ni incoming Bureau of Corrections Director Alexander Balutan na inspeksyunin ang Caballo Island sa Corregidor.
Isinusulong kasi ni Balutan ang pagtatayo ng hiwalay na piitan para sa mga High-Profile inmate ng New Bilibid Prison.
Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sa ngayon ay wala pang mangyayaring paglilipat sa mga High-Profile inmate ng Bilibid dahil magiging matrabaho ito.
Maliban dito, kontrolado naman aniya ngayon ng Special Action Force ang sitwasyon sa National Penitentiary.
By: Meann Tanbio