Sinisimulan na ng gobyerno ang pagpapatayo ng housing units para sa mga Pilipinong walang sariling tirahan.
Ito’y bilang bahagi ng housing program ng gobyerno na plano ng Administrasyong Marcos na makapagpatayo ng 6.15M housing units sa loob ng anim na taon na mapapakinabangan ng tatlumpung milyong Pilipino.
Ayon sa Office of the Press Secretary, aabot sa 47 Memorandum of Understanding (MOU) ang nabuo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa 39 na Local Government Units at 8 provincial LGU nitong December 22, 2022 upang tumingin ng mga lupang pagtatayuan ng mga pabahay.
Kabilang naman sa mga lugar na pagtatayuan ng housing units sa Quezon City, Marikina City, Mariveles, Bataan, Palayan City, Nueva Ecija, Carmona, Cavite at Tanauan City.
Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Marcos Jr., sa mga susunod na araw, ang executive order na mag-aatas sa mga ahensya para sa gagamiting housing at rural development. —sa panulat ni Jenn Patrolla