Tiyak na ang pagpapatayo ng mga malalaking rehabilitation center sa susunod na taon
Ito ayon kay DILG Secretary Mike Sueno ay dahil sa 2017 budget pa napondohan ang konstruksyon ng mga rehab centers
Plano aniya nilang itayo ang dalawang rehab centers sa Luzon at tig isa sa Visayas at Mindanao
Gayunman, ipinabatid ni Sueno na target nilang makapagpatayo ng maliliit na rehab center sa buong bansa bago matapos ang taong ito
Kabilang dito ang planong pagpapatayo ng rehab center sa Nueva Ecija
By: Judith Larino