Hinihikayat ng ilang kongresista na agad aprubahan ang panukalang batas kaugnay sa pagtatayo ng mga drug rehabilitation center sa kada rehiyon sa Pilipinas.
Sa pahayag ni Deputy Speaker Raneo Abu, masisimulan ang proseso ng rehabilitasyon at pagbabagong buhay ng mga sumukong drug user kapag naaprubahan ang House Bill Number 9.
Sina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez at Representatives Rolando Andaya Jr, Karlo Alexei Nograles, Michael John Duavit, Carlos Cojuangco, elisa Kho, Benhur Salimbagon, at Rodel Batocabe ang mga may-akda ng nasabing panukala.
Samantala, ayon kay dangerous drugs committee Chairperson Robert Ace Barbers, Tatlong bilyong Pisong budget ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa konstruksyon ng mga drug rehabilitation center.
By: Avee Devierte