Tinalakay ng House Committee on Muslim Affairs ang panukalang magtatatag ng Muslim-Filipino public cemetery sa mga lungsod at bayan.
Sinabi ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, may akda ng House Bill 2587, na nananatiling hamon para sa mga Muslim ang paglilibing sa kanilang mga kaanak dahil wala silang pampublikong sementeryo.
Napipilitan anyasilang mga Muslim na ibyahe pa ang mga namatay nilang kaanak sa ibang lugar upang doon ihimlay.
Magugunitang nagpatayo ng isang Muslim cemetery si dating Manila Mayor Isko Moreno, sa bisa ng city ordinance. – sa panulat ni Hannah Oledan