Nagsimula na ang konstruksyon ng North South Commuter Railway Extension.
Ang nasabing proyekto na kilala rin bilang PNR Clark Phase 2, katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ang magtatayo ng kauna unahang Airport Railway Express Service ng bansa.
Dahil sa nasabing proyekto, nasa halos isang oras na lamang ang biyahe mula Metro Manila partikular mula Makati patungong Clark International Airport.
Target ng Rail Segment Project na I Link o pag ugnayan ang mga lungsod sa Central Luzon at Metro Manila sa pamamagitan ng anim na istasyon.
Kasabay nito, ipinabatid ng DOTr na 7,000 direct jobs ang ibinigay ng construction phase at 3,000 pang trabaho ang makukuha ng mga Pilipino kapag nagsimula nang mag operate ang nasabing rail lines.