Plano ng Department of Justice (DOJ) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na masimulan sa Enero ng susunod na taon ang pagtatayo ng Super Maximum Cell o SuperMax Cell para sa mga high profile convicted criminals.
Ayon kay Justice secretary Crispin Remulla, mayroon silang kasunduan ng DPWH hinggil sa konstruksyon ng naturang kulungan sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Hangad aniya nila itong matapos sa loob ng 18 buwan.
Mangangailangan naman ang DOJ at DPWH ng P4-B budget para sa konstruksyon ng SuperMax cell at karagdagang P2-M naman ang gagastusin ng gobyerno para sa bawat bilanggong ikukulong. —sa panulat ni Hannah Oledan