Dapat gumawa ang gobyerno ng mga watershed sa mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot.
Ayon kay William Dar, dating Agriculture Secretary at Director General ng International Crops Research Institute for the Semi-arid Tropics o ICRISAT, ito’y katulad ng mga watershed project sa India.
Giit ni Dar, sa ganitong paraan ay makakapagtanim ang mga magsasaka kahit na umiiral ang dry spell.
Paliwanag ni Dar, ang ICRISAT ang naging daan upang makinabang ang mga magsasaka sa India sa 66 na watershed.
Aniya, dahil sa naturang proyekto ay umakyat sa apat na tonelada kada ektarya ang ani ng mga ito kumpara sa dating isa hanggang dalawang tonelada lamang kada ektarya.
By Jelbert Perdez