Kinastigo ng mga militanteng grupo ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing naaayon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Tahasang sinabi ni Renato Reyes, Chairman ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, na ito ay malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas.
Iginiit ni Reyes na hindi sagot ang EDCA laban sa incursion ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Iaapela aniya nila ang nasabing desisyon.
Para naman kay Gabriela Secretary General Joms Salvador, pure hyprocrisy ang naturang SC ruling.
By Meann Tanbio