Kasado na ngayong araw ang isasagawang plebesito sa Maguindanao.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) commissioner Aimee Ferolino, pagtitibayin sa plebesito ang batas na maghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Batay sa datos ng Comelec, kabuuang 818,790 registered voters ang nakatakdang bumoto sa Maguindanao Plebiscite na gaganapin sa 5, 390 polling precints sa 501 voting centers.
Magmumula ang mga botante sa 545 Barangay sa 36 Municipalities sa naturang probinsya.
Magiging manual ang botohan at bilangan imbes na gumamit ng Automated Election Eystem (AES).
Positibo naman ang Komisyon na magiging mataas ang voter turnout sa plebisito.
Maaaring bumoto ang mga residente hanggang alas-3 na hapon habang ang resulta ay posibleng ilabas hanggang alas-10 ng gabi.