Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanila pang pagtitibayin ang relasyon nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y upang hindi na maulit pa ang malagim na sinapit ng apat na sundalo na nasawi sa kamay ng pulisya sa Jolo, Sulu nitong Hulyo.
Sa paglulunsad ng Bayaning Pulis Foundation, sinabi nito na magkakasa sila refresher training sa kanilang pulisya sa Jolo lalo na sa law enforcement activities.
Nakatakda aniyang magpulong ang PNP at AFP ngayong linggong darating upang talakayin ang mahahalagang punto na titiyak sa mahigpit na ugnayan sa pagitan ng dalawang panig.