Ipinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-tanggap ng anumang financial assistance mula sa 18 bansa na nag-apruba sa resolusyon ng Iceland para imbestigahan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang anti-drug war campaign ng pamahalaan.
Ito mismo ang naging pag-amin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na inilabas ang kautusan sa pamamagitan mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Una rito, matatandaang itinanggi ni Panelo na nag-isyu si Pangulong Duterte ng naturang kautusan.
Ang tanong ninyo sa akin, kung nag-issue si Presidente [Duterte ng memo], so I ask the President, sabi niya, ‘hindi’, pero noong pinakitaan siya ng memo na may sign siya no’n tinanong ko ulit siya, naalala niya na mayroon nga,” ani Panelo.
Kaugnay nito, dinipensahan rin naman ni Panelo ang pasya ng pangulo, dahil ang ikinasa aniyang imbestigasyon ng UNHRC laban sa drug war ng Pilipinas ay hindi lamang “offensive” kundi maituturing din ito na panghihimasok sa hurisdiksyon ng pamahalaan.
Aniya, pinapalabas din ng UNHRC na hindi kumikilos ang pamahalaan laban sa mga pang-aabuso, gayong patuloy naman itong nilalabanan ng gobyerno.
Kabilang sa mga sumuporta sa Iceland resolution ay ang bansang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Italy, Peru, Mexico, Spain, Ukraine at iba pa.
He explained to me why he feels that the Iceland resolution is not only offensive to him, but also offensive to this country because that Iceland resolution presupposes that we are not doing anything about the complains, about abuses, which is not true. We’ve been prosecuting, in fact every death arising police operation on drugs is automatically subject to administrative and criminal prosecution,” ani Panelo.