Idinepensa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Guevarra, hindi biglaan ang naging pasiya ng pangulo.
Posible aniyang matagal ng alam ni Pangulong Duterte ang nangyayaring katiwalian sa PCSO at dahil sa pagpapatuloy nito, nagpasiya na ang punong ehekutibo na kumilos at ipasara ito.
Sinabi naman ni Guevarra na ikinagulat niya rin ang naging desisyon ng pangulo dahil hindi aniya napag-uusapan ang usapin sa pagpapasara ng PCSO gaming operations.
Tiwala din ang kalihim na makakababalik muli ang operasyon ng lotto oras na matapos na ang imbestigasyon sa usapin.