Ipinanawagan sa Senado ng dalawang kumpanyang supplier ng plaka sa bansa ang agarang pagpapatigil sa isasagawang bidding sa Pebrero 23 para sa mga motorcycle plate sa Land Transportation Office.
Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala kina senators richard gordon, ng Blue Ribbon Committee at Grace Poe ng committee on public service, ng mga kumpanyang Erich Utsch Ag at J. Knieriem bv, kapwa international supplier ng plaka ng motorsiklo.
Iginiit ng mga kumpanya sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan sa Pilipinas na sina Grace Ibuna, ng Erich Utsch Ag at Michael Frandy Salazar, ng Wise Corp. Na authorized representative ng J. Knieriem bv, na maanomalya ang bidding.
Ito, anila, ay dahil ang mga opisyal na sangkot ang siya ring pinakakasuhan ng senado dahil sa kahalintulad na maanomalyang transaksyon.
Nais ng mga nabanggit na kumpanya na pagulungin muna ang mga kaso laban sa kasalukuyang chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) at hope ng lto alinsunod sa rekomendasyon ng blue ribbon.
Idinagdag pa nila na ang mga nasabing opisyal ng LTO pa rin ang mga taong nasa likod ng maanomalyang transaksyon sa mga plaka ng motorsiklo.
Kinuwestiyon din nila ang kadalasang bidding tuwing Setyembre pero ngayon ay tila minadali at nataong paalis na sa pwesto ang mga naturang opisyal dahil sa papalapit na eleksyon.
Noong isang taon ay pinakakasuhan ng senado sina LTO Asst. Sec. Edgar Galvante at Exec. Dir. Romeo Vera Cruz, Chairman ng BAC Dahil umano sa maanomalyang P540M motorcycle plates sa kumpanyang trojan.