Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa imbestigasyon ng Senado sa mga nagpapatuloy na government programs.
Ayon kay Pangulong Duterte, mababalam lamang ang mga mahalagang transaksyon ng gobyerno sa gitna ang kampanya kontra COVID-19 pandemic dahil sa imbestigasyon.
Hindi anya napapanahon para kuwestyunin kung saan napupunta ang pondong ginagamit ng Department Of Health (DOH) lalo’t nasa kalagitnaan pa ng emergency situation ang bansa.
You will delay it …for investigating government offices, gusto niyo lahat pakialaman nalang. Alam mo you do not run this government alone, by questioning the unspent amount. Kung hindi naman po nadispalko, bakit ka nagtatanong if the money is there, it is unspent nobody is stealing it and the department has many programs,″ pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino