Nananawagan ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na ipatigil ang implementasyon ng Kaliwa Dam Project.
Sa ipinalabas na pahayag ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, iginiit nito na magdudulot lamang ng panganib sa mga katutubong Dumagat-Remontados ang nabanggit na proyekto.
Ayon kay Valles, may karapatan sa kagubatan na posibleng mawasak ng Kaliwa Dam Project ang mga katutubong Dumagat-Remontados bilang kanila itong minanang lupain.
Pinangangambahan din aniyang lumubog sa tubig ang nasa 300 ektarya ng kagubatang sakop ng Sierra Madre at maglagay sa panganib ng mahigit 100 mga endangered species ng halaman at hayop.
Binatikos din ng CBCP ang pagiging hindi transparent ng nabanggit na proyektong popondohan ng China.