Umapela ang isang International initiative na nag-iimbestiga sa human rights abuses sa Pilipinas na itigil ang malawakang militarisasyon ng pamahalaan,walong buwan bago ang eleksyon.
Ito, ayon sa Independent International Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines o Investigate Ph, ay upang matiyak na ligtas at malinis ang halalan para sa lahat.
Ayon kay Australian Greens Senator Janet Rice, High Commissioner ng investigate Ph, mahalagang magkaroon ng International Election Observer Missions sa mismong panahon ng kampanya, araw ng halalan at bilangan ng boto.
Ang nabanggit na rekomendasyon ay bahagi ng ikatlo at huling report ng investigate Ph sa human rights situation ng bansa.
Isusumite ito sa International Criminal Court ngayong buwan bilang suporta sa kanilang full investigation sa pinaniniwalaang “crimes against humanity” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa “war on drugs”.—sa panulat ni Drew Nacino