Tuluyan nang ipatitigil ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw ang iba’t ibang klase ng operasyon ng online sabong.
Ito’y makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang nasabing sugal dahil sa masamang dulot nito, tulad ng pagkakalulong at pagkakabaon sa utang ng ilang pinoy.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kasama sa mga ipatitigil ang live show at mga betting station ng e-sabong.
Kabilang umano ang buwis sa online talpak sa mga dahilan ng pagtanggap ng gobyerno sa e-sabong kaya natagalan ang desisyon ni Pangulong Duterte.
Bukod dito ay mahigit 30 sabungero naman ang nawawala, kung saan ilang pulis ang sangkot sa pagdukot.