Ikinukonsidera na ng Department of Agriculture ang pansamantalang pagpapaliban sa pagbabawal sa pagtitinda ng imported na mga isda, salmon at pampano sa mga palengke.
Sa harap ito ng mga negatibong pahayag at reaksyon ng mga mambabatas at publiko sa Fisheries Administrative Order o FAO 195 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resourcers (BFAR).
Aarangkada simula sa linggo, Disyembre a – 4 ang ban sa mga nasabing produkto pero aalamin ng DA kung napapanahon pa ang patakaran dahil 1999 pa ito nilagdaan.
Aminado si DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na tila hindi napapanahon ang fisheries administrative order 195, lalo’t magpa-pasko.
Nakatakda anyang i-anunsyo ng kagawaran kung itutuloy ang moratorium o hindi.
Kamakailan ay kinuwestyon nina Senador Raffy Tulfo at Congressman Elpidio Barzaga ang nasabing kautusan ng BFAR.