Dapat umanong mapunta sa Pilipinas ang lahat ng mga datos na nakuha ng mga banyaga tulad ng China sa ginawa nilang mga pag-aaral at pananaliksik sa Benham o Philippine Rise.
Ito ang inihayag ni Albay Rep. Edcel lagman matapos umapela ito sa administrasyong Duterte na kunin o kumpiskahin ang mga nakuhang datos ng mga dayuhan makaraang ipahinto ng Pangulo ang mga ginagawang pag-aaral sa naturang karagatan.
Ayon sa mambabatas, layon nitong matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng Pilipinas lalo pa’t teritoryo naman ng bansa ang pinag-uusapan dito.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, isa lamang itong uri ng taktika ng administrasyon para ilihis ang atensyon ng publiko sa iba’t ibang usaping pambansa tulad na lamang ng mga umano’y tagong yaman ng pamilya ng Pangulo.
Posted by: Robert Eugenio