Kinontra mismo ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil na ang lahat ng regular na military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.
Paliwanag ni Yasay, ang pag-iral ng lahat ng tratado ng Pilipinas sa Amerika kabilang ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ay tatagal at lagpas pa sa anim na taong panunungkulan ng Pangulong Duterte.
Dahil dito, iginiit ni Yasay na hindi ito maaaring basta na lamang ipawalang-bisa ng Pangulo.
Una rito, inihayag ng Pangulong Duterte sa harap ng Filipino community sa Vietnam na huling joint military exercises na ng Pilipinas at Amerika ang gagawin sa susunod na buwan.
By Ralph Obina