Umaasa ang Young Farmers Challenge Club of the Philippines (YFCF) na hindi na mauulit ang sinapit ng limang magsasaka na nagpatiwakal matapos malugi sa pagtatanim at pagbebenta ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan.
Nag-ugat ang panawagan ni YFCF President Elvin Laceda sa isiniwalat ni Nanay Merle sa hearing ng Senado, na kabilang ang kanyang asawa sa mga nagpakamatay matapos ma-peste ang kanilang pananim ng mga harabas.
Iginiit ni YFCF President Elvin Laceda sa Senate Committee on Food and Agriculture na dapat ay maging patas ang mga trader, lalo ang mga middlemen, sa pagbili ng produkto ng mga magsasaka.
Bagaman binili ng YFCF sa maka-taong presyo ang sibuyas nina Nanay Merle, aminado siyang muli silang nalugi dahil naman sa pag-ulan.
Umaapela rin si Laceda sa Department of Agriculture at Food Terminal Incorporated na huwag baratin ang mga magsasaka, lalo’t ang pagtatanim lamang ang kanilang ikinabubuhay.