Problema umano sa pag-ibig na nagresulta sa depresyon ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng Csa cavite hinggil sa pagkamatay ng police trainee ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group na si Justine Orphilla.
Batay ito sa inisyal na resulta ng imbestigasyon batay sa naging pakikipag-usap ni Orphilla sa isa niyang kasamahan sa pamamagitan ng text message sa kaniyang cellphone.
Magugunitang natagpuang duguan at may tama ng bala ng baril sa ulo si Orphilla sa rooftop ng tinutuluyan nilang boarding house sa Brgy. Tejeros Convention sa Rosario, Cavite nitong Linggo ng umaga.
Nagawa pang isugod sa Divine Grace Hospital si Orphilla para malapatan ng atensyong medikal subalit idineklara na itong dead on arrival.
Lumabas din sa imbestigasyon na binuksan ni Orphilla ang door knob ng kanilang mga field training officer kaya nakuha nito ang baril ni Yazar na siyang ginamit nito sa pagpapatiwakal.
Bago ito, ilang araw umanong naoobserbahan si Justine na balisa dahil sa nararanasang depresyon o matinding kalungkutan nito.