Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy-tuloy ang pagpapatrolya ng Pilipinas sa Spratly Islands.
Sa kabila ito ng panawagan ng China na itigil ang anila’y illegal provocations na ginagawa ng Pilipinas sa Spratlys.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., malaya naman ang China na magsalita ng kahit ano tungkol sa isyu subalit malaya rin ang Pilipinas na magpatrolya sa Spratlys dahil ito ay pag-aari ng bansa.