Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi ititigil ng Pilipinas ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea matapos magpaputok umano ng warning flares ang China.
Aniya, matagal na itong ginagawa ng mga barko ng China ngunit hindi ito nakaaapekto sa mga aktibidad ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Matatandaang lumabas ang report na ‘di umano’y nagpaputok ng warning flare ang China sa mga barko ng mga Pilipinong nagpapatrolya sa West Philippine Sea mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.