Ipinanawagan na ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) sa International Criminal Court ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity ng war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay ICHRP Chairman Peter Murphy, ang pagsuspinde sa ICC probe ay maituturing na pabuya para sa administrasyon at maaaring lalong mabiktima ang mga nagsumite ng ebidensya bilang suporta sa imbestigasyon.
Anuman aniyang suspensyon o delay ay isang pagtataksil sa mga biktima at testigong pursigidong magsalita sa kabila ng peligrong maaari nilang kaharapin.
Magugunitang sinuspinde ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon alinsunod sa hiling ng gobyerno ng Pilipinas.
Ipinunto ng pamahalaan na masusi namang tinututukan at iniimbestigahan ng mga korte sa Pilipinas ang mga kasong may kaugnayan sa anti-illegal drugs operations. —sa panulat ni Drew Nacino