Muling nanawagan si outgoing National Economic and Development Authority (NEDA) Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ng na ganap na ipagpatuloy ang face-to-face classes, na positibo siyang maipatutupad ng papasok na administrasyon.
Ayon kay Chua, bahagya kasing naiwan ang sektor ng edukasyon kung saan ito ang pundasyon ng pag-unlad.
Sa kalukuyan aniya’y lubha ring naapektuhan ang development ng mga bata na mas matuto pa.
Una nang sinabi ni Chua noong marso na ang nationwide in-person classes ay mag-aambag ng 12 bilyong piso kada linggo sa ekonomiya ng bansa.