Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng gyera ng gobyerno laban sa NPA Matapos ang banta ni C.P.P. Founder Joma Sison na hindi na sila makikipag-negosasyon sa peace negotiating panel ng gobyerno.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na tanging nakatuon sa mga rebelde ang mga operasyon ng tropa ng pamahalaan at hindi kasama ang M.I.L.F. at M.N.L.F.
Ayon sa punong ehekutibo, malaki ang pagkakaiba ng ipinaglalaban ng N.P.A. sa layunin ng mga Moro at ito ay ang pagkakaroon ng patas na bahagi ng kanilang ancestral land kanya umanong naiintindihan dahil siya ay nagmula rin sa Mindanao.
Samantalang, sa panig ng N.P.A., ang pagpapabagsak sa gobyerno ng Pilipinas ang gusto nitong gawin na hindi naman papayagan ni Pangulong Duterte.