Pinangangambahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagpapatuloy ng krisis sa suplay ng tubig.
Ito ay matapos hindi maabot ang target level ng tubig sa Angat Dam bago magtapos ang 2019.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., kailangan pang mapagkasya ang tubig hanggang sa tag-init at bago sumapit ang tag-ulan.
Aniya, dahil mababa pa sa normal level ang tubig ng Angat Dam, posible pang magpatuloy ang hindi normal na serbisyo sa publiko.
Magugunitang sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division ay nasa 202.6 meters pa lamang ang lebel ng tubig sa dam na malayo pa sa 212 meters na normal level nito.