Magpapatuloy ang mga proyekto at programang sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ito ni President-elect Bongbong Marcos, tatlong araw bago ang kanyang opisyal na pag-upo sa Malakanyang.
Sa kanyang youtube channel, nagpasalamat din si Marcos kay Pangulong Duterte dahil sa pagsuporta nito sa kanya at kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Magugunitang nagkita sina Marcos at Duterte sa inagurason ni Mayor Inday Sara sa Davao City noong Hunyo 19.